-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na ang batikang Amerikanang mang-aawit na si Connie Francis sa edad na 87, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang kaibigang si Ron Roberts nitong Huwebes, dalawang linggo matapos siyang maospital dahil sa matinding pananakit.

Pumanaw na ang batikang Amerikanang mang-aawit na si COnnie Francis sa edad na 87, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang kaibigang si Ron Roberts nitong Huwebes, dalawang linggo matapos siyang maospital dahil sa natamong matinding ”pain.”

Matatandaang si Connie, ay ipinanganak sa Newark, New Jersey noong 1937 bilang Concetta Rosa Maria Franconero, na kilala sa mga awiting “Pretty Little Baby”, “Everybody’s Somebody’s Fool,” at “Who’s Sorry Now?” Isa rin siya sa mga pinakasikat na babaeng mang-aawit noong 1950s at 60s, at ang kauna-unahang babaeng nakaabot sa #1 sa Billboard Hot 100.

Noong Hulyo 2, dinala si Connie sa isang ospital sa Florida at isinailalim sa serye ng pagsusuri. Sa kanyang mga huling post sa social media, sinabi niyang siya’y mas gumagaan ang pakiramdam at nagpapagaling pa sa ilalim ng masusing pag-aalaga ng mga doktor.

Bagamat nagretiro sa musika noong 2018, muling sumikat kamakailan ang kanyang kantang “Pretty Little Baby” sa TikTok na may mahigit 60-taon matapos itong unang i-release. Ani Connie, “To think that a song I recorded 63 years ago is touching the hearts of millions of people is truly awesome.”

-- ADVERTISEMENT --

Nakilala rin si Connie nsa kanyang laban sa mga personal na pagsubok. Siya’y naging biktima ng panggagahasa, nawalan ng tinig dahil sa operasyon, at nawalan ng kapatid matapos itong mapatay ng mafia.

Naitala niya ang mga ito sa kanyang memoir na “Who’s Sorry Now?” noong 1984, kasunod ng isang suicide attempt.

Sa kabila ng lahat, naging tagapagsalita siya para sa mga biktima ng karahasan, at nakipagtulungan sa administrasyong Reagan para sa kampanya laban sa krimen.

Samantala kinikilala ngayon ang kanyang mga awitin na patuloy na nagbibigay-inspirasyon, at inaalala bilang boses ng kanyang henerasyon.