-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang magpapatupad ng roll back ang mga kompaniya ng langis sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na lingo ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa unang pagtataya ng ahensya, maaaring bumaba ang presyo ng gasolina kung magpapatuloy ang kasalukuyang global price trends.

  • Gasoline: P0.40 kada litro
  • Diesel: P0.50 kada litro
  • Kerosene: P0.25 kada litro

Maaari pa aniyang magbago ang aktwal na presyo depende sa resulta ng trading ngayong lingo.

Ayo sa DOE ang pagbagsak ay dulot ng mas mababang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na naapektuhan ng mas mataas na supply at inaasahang sobra sa merkado.

Ang mga trend na ito ay malamang na magpababa rin sa presyo sa mga lokal na gasolinahan, ngunit maaaring mag-iba ang aktwal na presyo depende sa bawat kompanya.

-- ADVERTISEMENT --

Karaniwang ina-aanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na presyo tuwing Lunes, na epektibo naman tuwing Martes.