-- ADVERTISEMENT --

Posibleng pumalo sa P1,500 ang presyo ng kada 11-kilogram na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa buwan ng Abril.

Ibinabala ito ng LPG Marketers Association (LPGMA) dahil sa mataas na presyo ng shipping cost dahil sa limitadong access sa Strait of Hormuz.

Dagdag pa ng LPGMA na inatasan ng Department of Energy (DOE) ang mga private sectors na magpatuloy sa pagbili ng LPG kahit na magkano ang presyo para mapanatili ang suplay.

Una ng sinabi ng DOE sa Senado na ang stock ng LPG sa bansa ay aabot lamang ng hanggang 25 araw.

Subalit ayon sa grupo ay ang inventory ay kaya pang umabot mula 35 hanggang 40 araw.

-- ADVERTISEMENT --