Bababa na ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan sa Pebrero 2026, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ito ay dahil sa pagtatapos ng tatlong buwang closed fishing season sa Palawan sa Enero 31, 2026.
Ang closed season ay ipinatutupad upang bigyan ng panahon ang mga isda na magparami at mapanatili ang balanseng ekolohiya sa dagat.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng galunggong ay nasa P180 hanggang P220 kada kilo sa Metro Manila.
Inaasahan ng BFAR na maaaring bumaba ito ng P20 hanggang P40 kada kilo sa Pebrero.
Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, mas dadami ang suplay ng galunggong sa mga palengke sa mga susunod na linggo.
Ang galunggong ay tinaguriang pinaka popular dahil sa pagiging abot-kaya at madalas na ulam ng mga pamilyang Pilipino.











