Mayroong kabuuang yaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na P389 milyon.
Ito ay base sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth mula pa noong Disyembre 31, 2024.
Kasama rin na isinumite ng kaniyang SALN ang appraisal ng isang private firm na Cuervo Appraiser Inc na naglalagay ng kaniyang net worth na P1.375 bilyon.
Nangangahulugan nito na ang P389.57 milyon ay base sa panuntunan ng Civil Service Commission sa paghahain ng SALN habang ang P1.375-B ay base sa halaga mula sa appraisal ng Cuervo.
Kinabibilangan ng assets nito na P142.026-M na halaga ng 21 piraso na real estate property kasama rin an agricultural at residential land at ang personal pieces ng property na nagkakahalaga ng P247.332-M.
Ilan sa mga personal pag-aari ni Marcos ay ang cash na P38.7-M at investment na P134.192-M ganun din ang mga alahas, 12 sasakyan at paintings na nagkakahalaga ng P247.332-M.
Ilan sa mga sasakyan nito ay Mercedez-Benz Maybach na nagkakahalaga ng P10.5-M at 126 na paintings mula sa sikat na pintor kung saan ang pinakamahal ay P19-M.
Wala namang idineklara ang pangulo ng liabilities mula sa kaniyang 2024 SALN ganun din sa mga SALN niya na mula Hunyo 2022.











