-- ADVERTISEMENT --
Agad na tumugon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque na ang nasabing kautusan ay ibinahagi sa kaniya ng Pangulo bago ito magtungo sa Malaysia at dumalo sa 47th ASEAN Summit.
Dagdag ng kalihim na sumunod naman ang mga stakeholders sa utos ng pangulo.
Tiniyak din nito na patuloy ang kanilang gagawing monitoring sa mga imported na bigas at mga pagkain sa bansa.











