-- ADVERTISEMENT --

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapalawig ng rice import ban ng hanggang katapusan ng 2025.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr, na nais ng pangulo na magkaroon ng stabilized ang farmgate prices ng palay.

Ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 3 ay ilalabas ang executive order para sa pormalidad ng pagpapalawig ng import suspension.

Nakita ng pangulo na kahit na mayroong maliit na epekto sa retail price at suplay ng bigas ng import ban ay may malaki naman itong nakitang pagbabago sa farmgate price ng palay.

Sa loob ng dalawang buwan ay makikita ang pagbibigay ng tulong sa mga lokal na magsasaka, mapanatili ang market stability at magkaroon ng panahon para pag-aralan ang komprohensibong epekto ng polisiya.

-- ADVERTISEMENT --