-- ADVERTISEMENT --

Magpapatuloy ang trabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong Pasko.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez , na gugugulin ng Pangulo ang pagbusisisa P6.7-trilion na 2026 national budget proposal.

Mayroon itong mga inatasang mga personalidad na tutulong sa kaniya para agad na pag-aralan ang mga nakalagay na probisyon ng budget proposal.

Dagdag pa ni Gomez na ang masusing pag-aaral ay para matiyak na ang pera ng mga taxpayers ay nagagamit ng tama.

Magugunitang pinalawig ng hanggang Disyembre 30 ang sesyon ng Senado at House of Representatives para sa ratipikasyon ng Bicam-approved na 2026 budget.

-- ADVERTISEMENT --