-- ADVERTISEMENT --
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa 50th anibersaryo ng “Thrilla in Manila” sa Araneta Coliseum.
Kasama nito si First Lady Liza Marcos , dating senador Manuel “Mar” Roxas at eight-division world boxing champion Manny Pacquiao.
Pinanood ng pangulo ang laban ng apo ng boxing legend Muhammad Ali na si Nico Ali Walsh laban kay Kittisak Klinson ng Thailand na nagtapos sa draw.
Hindi na pinatapos ng pangulo ang ilang mga main event dahil sa nakatakda itong bumiyahe sa South Korea para dumalo sa 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong Oktubre 30.
-- ADVERTISEMENT --










