-- ADVERTISEMENT --
Nakatakdang bumiyahe sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kinumpirma ito ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro kung saan gagawin ang pagbisita mula Hulyo 20 hanggang 22.
Ang nasabing pahayag ng Malacañang ay kasunod ng anunsiyo na rin ni US Secretary of State Marco Rubio habang ito ay nasa Kual Lumpur, Malaysa.
Sinabi ni Castro na isinasapinal pa nila ang mga detalye at kung ano ang maaring talakayin ng pangulo at ni US President Donald Trump.
Ito na ang magiging ika-limang pagbisita ni Marcos sa US mula ng maupo noong 2022 at unang pagbisita noong mahalal muli si Trump noong nakaraang taon.
-- ADVERTISEMENT --