Tumaas ng 16% ang prize money ng Australian Open kumpara noong nakaraang taon ang pinakamalaking pagtaas para sa torneo sa 2026
Ayon sa mga organizer ng unang Grand Slam ng tennis season, aabot sa 111.5 million Australian dollars (humigit-kumulang US$75 million) ang kabuuang prize money ng torneo na magsisimula sa Enero 18, 2026.
Mas mataas ito kumpara sa 96.5 million Australian dollars na ipinamahagi noong 2025.
Napagalaman na ang mga mananalo sa men’s and women’s singles ay tatanggap ng tig-4.15 million Australian dollars (US$2.8 million), na katumbas ng 19% na pagtaas mula noong nakaraang taon.
Samantala, tataas din ng 16% ang premyo para sa mga manlalaro sa qualifying tournament, habang lahat ng kalahok sa main draw ng singles at doubles ay garantisadong hindi bababa sa 10%.











