Nakapagtala ang Philippine Red Cross (PRC) ng malaking bilang ng mga natulungan sa kanilang nationwide monitoring, umabot na sa 9,293 individuals.
Pinakamalaking bahagi nito ay para sa vital signs monitoring na may kabuuang 8,392, habang matagumpay namang naasikaso ang 830 minor injuries at 45 major medical emergencies.Balitang Pilipinas
Dagdag pa rito, 26 patients na nangangailangan ng mas mataas na antas ng medikal na atensyon ang ligtas na naihatid sa mga hospital facilities.
Hindi lamang medikal na tulong ang naibigay ng PRC, dahil nakapaghatid din ang kanilang Welfare teams ng 219 instances of assistance, kabilang ang psychological support para sa 137 individuals at mobility aid para sa 21 seniors.
Sa kasalukuyan, may 2,144 staff at volunteers na naka-deploy sa iba’t ibang panig ng bansa, na bumubuo ng matibay na safety net para sa publiko.
Kabilang sa kanilang operational strength ang 80 ambulances, 412 First Aid Stations, 109 Foot Patrols, at 100 Welfare Desks, na nakapuwesto sa mga transport hubs, pilgrimage sites, at major highways upang masiguro na ang tulong ay laging malapit sa nangangailangan.
Ang tuloy-tuloy na operasyon ng PRC ngayong Semana Santa ay bahagi ng kanilang dedikasyon sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan, lalo na sa panahon ng mas mataas na antas ng paglalakbay at relihiyosong pagtitipon.











