Umabot na sa 1,719 indibidwal ang naasistehan ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang nationwide Holy Week Operations 2026 na nagsimula noong Marso 29 at magtatapos sa Abril 5.
Sa bilang na ito, 1,627 ang sumailalim sa vital signs monitoring, habang 78 ang minor cases gaya ng abrasion, blister, body weakness, bruise, dizziness, fainted, LBM, sprain, muscle cramps, wound, stomach ache, minor wound, pain and itchiness, at minor burn.
May 10 major cases na naitala kabilang ang hypertension, abdominal pain, stab wound, head injury, at jellyfish sting.
Apat ang kinailangang dalhin sa ospital dahil sa multiple injuries, fall incident, unconscious, at laceration.
Sa welfare assistance, may kabuuang 14 na naitala: lima para sa psychological support, apat na referral, at lima para sa wheelchair assistance.
Para sa deployment ng PRC assets, nakaposisyon ang 51 ambulances, isang mobile clinic, dalawang Volunteer Emergency Response Vehicle, isang rescue boat, 181 FA stations, 38 welfare desks, 20 foot patrols, at kabuuang 2,000 manpower mula sa staff at volunteers.
Saklaw ng operasyon ang 183 areas of assignment kabilang ang AOR, ARENA, barangay hall, beach, bus terminal, simbahan at iba pa.











