-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY – Tiniyak ng GenSan City Police Office(GSCPO) ang mahigpit na pagbabantay sa mga pampublikong lugar didto sa lungsod para mapigilan ang anumang gulo na dulot ng mga gagawing pagtitipon.

General Santos City Police Office

Kahapon ng bigong makapagsagawa ng prayer rally sa Oval Plaza ang mga miyembro ng KAPA Community Ministry International Inc dahil hindi nakakuha ng permit kahit na kahapon pa ng umaga nagtipontipon ang mga ito.

Nalaman rin ng Bombo Radyo GenSan na hindi rin pinayagan ang balak na demonstasyon na gagawin sana ng grupo sa nabanggit na lugar nitong araw kasabay ng Independence day.

Ito’y dahil may isinagawang programa ang LGU GenSan para sa selebrasyon.

Ika-121 Independence Day Celebration sa GenSan

Ngunit batay sa report, binigyan ang grupo ng mayor’s permit para sa prayer rally subalit isasagawa ito sa Acharon Sports Complex bukas June 13, at sa June 14, araw ng Biyernes sa Oval Plaza.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na inaasahang bibisita sa GenSan si Pangulong Rodrigo Duterte bukas upang mamahagi ng mga land titles sa aabot na 13,000 agrarian reform beneficiaries.

Kasabay nito, tiniyak ng General Santos City Police Office na handa sa pagbabantay ng seguridad ng Pangulo sa anumang posibleng sasalubong na mga kilos-protesta kaugnay pa rin sa closure order nito laban sa KAPA.

KAPA Office

Una rito, isinawalat ng mga KAPA members na kasabay ng prayer rally ay makikiusap sila kay Pangulong Duterte na bawiin ang kaniyang utos.