-- ADVERTISEMENT --

Hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng muling pagsali ng Pilipinas sa Rome Statute o sa International Crimical Court.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, sinabi mismo ng Pangulo na hindi pa rin magre-rejoin ang Pilipinas sa ICC.

Nang tanungin kung bakit, sinabi ni Castro na iyon lamang ang ipinaabot sa kanya ng Pangulo at wala nang ibinigay na dagdag na paliwanag.

May mga panawagan kasi na ibalik ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC kasabay ng pagsisimula ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging bahagi ang bansa ng Rome Statute mula 2011 hanggang 2019 matapos kumalas ang Pilipinas sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --