-- ADVERTISEMENT --

Inaalam na ng mga awtoridad kung paano haharapin ang posibleng pag-aresto kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa Kalinga, kung saan siya umano’y pinoprotektahan ng Kalinga Tribe.

Kinumpirma ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na nasa Kalinga si Bantag at tinutulungan siya ng mga miyembro ng kanyang tribo. Subalit, sinabi ni Catapang na may mga panganib na dulot ang pag-aresto sa naturang lugar, kaya’t ang mga awtoridad ay nag-iingat upang hindi magdulot ng sigalot sa na naturang tribo.

Ayon kay Catapang, naghahanda ang mga awtoridad ng plano upang arestuhin si Bantag sa mga liblib na lugar upang maiwasan ang anumang posibleng labanan sa komunidad.

Magugunitang si Bantag ay inaakusahan ng pagiging utak sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 2022. Ayon sa mga imbestigador, si Cristito “Jun” Villamor, isang inmate sa New Bilibid Prison (NBP), ang naging middleman sa krimen. na kalaunan ay natagpuang patay sa loob ng piitan pagkatapos ng insidente.

Dahil dito noong Hunyo, ipinasara ng Las Piñas City Regional Trial Court ang kaso laban kay Bantag dahil sa kakulangan ng progreso, at itinakda lamang ang pagdinig kapag siya ay nahuli o boluntaryong sumuko.

-- ADVERTISEMENT --