-- ADVERTISEMENT --

ansamantalang nakalaya si retired Philippine Air Force MGen. Romeo Poquiz matapos na makapagpiyansa ng halagang P48,000 para sa kasong inciting in sedition na isinampa sa kaniya ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 bunsod ng mga naging umano’y panghihikayat ng United People’s Initiative na pagaaklas at pagbawi ng suporta sa Commander in Chief sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isang panayam, nilinaw ni Poquiz na hindi sila nanghikayat ng kahit anumang mga seditious na pagkilos para pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon. Aniya, ang grupo nila ay nagpapahayag lamang umano ng kanilang damdamin, galit at poot para sa tiwala na sinira ng pamahalaan.

Ito ay bunsod pa rin ng mga usapin hinggil sa mga maaanomalyang flood control projects dahil wala pa umanong nakukulong na malalaking personalidad kaugnay nito. Nakatakda namang humarap sa kaniyang arraignment ang dating heneral sa darating na Enero 14 para sa kasong kaniyang kinahaharap.

Posible namang madagdagan pa ang nga maaaresto na may kaugnayan sa mga nagdaang rally partikular na sa mga nagsagawa ng panawagan kontra sa pamahalaan.

Paliwanag ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakadepende sa mga ebidensiya kung madadagdagan pa ang mga personalidad na posibleng makasuhan na may kaugnayan sa mga panawagan na ito.

-- ADVERTISEMENT --

Ani Nartatez, kung may sapat na basehan ang mga kaso ay walang takot at pabor itong ipapatupad ng Pambansang Pulisya nang naaayon at batay sa mga umiiral na batas.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP katuwang ang iba pang law enforcement agencies hinggil sa mga insidente na may kaugnayan sa mga ganitong panawagan kung saan nakadepende pa rin aniya sa mga dokumento at impormasyon kung aandar ang nga kasong ito.

Samantala, bagamat hindi nakaramdam si Poquiz ng kahit anumang paglabag sa kaniyang karapatang pantao ay itutuloy pa rin aniya ng kaniyang legal counsel ang pagsasampa ng kaso sa mga arresting officer’s ng CIDG Regional Unit NCR matapos na may hindi masunod sa dapat sana aniyang bahagi na ng kanilang Standard Operating Procedure (SOP) bilang mga pulis.

Ito namam ay nakahandang harapin ng naturang unit at handang tumugon sa kahit anumang pagsasampa ng kabilang kampo.