-- ADVERTISEMENT --
Ipinagdasal ni Pope Leo XIV ang mga biktima ng Catholic School shooting sa Minnesota na ikinasawi ng dalawang bata.Digital Radio
Sinabi nito na marapat na ipagdasal na matapos na ang “pandemic of arms”para hindi na maulit pa ang nasabing krimen.
Kapag hindi matigil ang paglaganap ng pamamaril ay maraming mga inosente ang madadamay.
Hindi rin nito kinalimutan ang muling panawagan niya na tuluyan ng mahinto ang giyera sa Ukraine at Russia ganun din sa Israel at Gaza.