-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga Katoliko na tularan ang kabutihan ni Hesukristo at maglingkod sa kapwa, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan, kasabay ng pagdiriwang ng Cebu ng ika-461 Fiesta Señor o Kapistahan ng Poong Santo Niño.

Sa isang liham na binasa ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, ipinagdarasal ng Santo Papa na ang Kapiyestahan ng Santo Niño ngayong taon ay maging pagkakataon para sa mga Katoliko para ipagpatuloy na maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng tawag ng binyag, mamuhay nang puspos ng biyaya kay Kristo, at maglingkod sa kapwa bilang patunay ng pagkakaisa at pag-ibig ng Most Holy Trinity.

Ang liham ay ipinadala sa mga Augustinian ng Minor Basilica of Santo Niño sa Cebu.

Matatandaan, bago mahalal bilang ika-267 Santo Papa, bumisita si Pope Leo XIV, noong siya pa ay cardinal, sa Cebu noong taong 2004 bilang Prior General ng mga Augustinian.

Ang Fiesta Señor ay isang taunang relihiyosong pagdiriwang na iniaalay kay Sto. Niño de Cebu, ang imahe ng Batang Hesus na itinuturing na pinakamatandang Kristiyanong relic sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --