Pope Leo pinuri ang mga kabataan na dumalo sa kaniyang misa sa Paris

5
-- ADVERTISEMENT --

Pope Leo pinuri ang mga kabataan na dumalo sa kaniyang misa sa Paris
Pinuri ni Pope Leo XIV ang mga kabataan na dumalo sa kaniyang misa sa Paris.

Aabot sa mahigit 700,000 katao ang dumalo sa open-air na misa na ginanap sa special alter sa Place de la Concorde bilang bahagi ng kaniyang apat na araw na pagbisita sa nasabing bansa.

Bago nagsimula ay nagkaroon ito ng motorcade kung saan napuno ng mga tao ang kalsada ng Champs-Elysee Avenue lulan ng kaniyang popemobile.

Dumalo sa misa ang ilang mga pulitiko pero nauna ng nakasalamuha ng Santo Papa si French President Emmanuel Macron.

Sa kaniyang Misa ay hinikayat ng Santo Papa ang mga kabataan na panatilihin ang kanilang pananalig at hayaang umapaw ito para maambunan din ang iba.

-- ADVERTISEMENT --