-- ADVERTISEMENT --

Walang naitatalang kaso ng looting sa Cebu ang Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni PNP Chief PLt.Gen. Melencio Nartatez.

Ginawa ni Nartatez ang pahayag matapos dumalo sa budget debate ng DILG sa plenaryo ng Kamara kaninang umaga.

Sa isang panayam sinabi ni Nartatez na bukod sa pagtitiyak sa peace and order sa mga lugar na tinamaan ng 6.9 magnitude na lindol, pina mobilize na rin nito ang lahat ng resources at manpower ng Police Regional Office 7 para tulungan makabangon ang Cebu at ang mga kababayan natin.

Sinabi ni Nartatez nakikipag ugnayan na ang PNP sa mga local government Units para sa search and rescue efforts at ang pagsasagawa ng humanitarian mission.

-- ADVERTISEMENT --

Nag-deploy na rin ang PNP ng mga rescue team sa northern part ng Cebu.

Nagpadala na rin ng augmentation force sa Cebu ang kalapit na regional police offices.

Pagtiyak ni PNP OIC Chief na kontrolado ng pambansang pulisya ang sitwasyon sa Cebu.