Nagtalaga ng karagdagang pwersa ang Philippine National Police (PNP) sa Cebu para sa mas mabilis na relief operations sa probinsiya.
Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga karagdagang tauhan at assests mula sa kanilang hanay ay nakatakdang magbigay ng pokus sa mga lugar na siyang lubhang napinsala ng magnitude 6.9 na lindol sa hilagang bahagi ng Cebu.
Ani Nartatez, layon nito na mapabilis din ang pagpapadala ng mga tulong mula sa pamahalaan para na rin sa unti-unting pagbabalik sa normal na pamumuhay sa probinsiya.
Tiniyak naman ng acting PNP chief na patuloy ang kanilang malalim sa koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng Cebu at maging sa mga local disaster teams nito para sa distribusyon ng mga relief goods at family food packs sa mga residente.
Samantala, maliban naman dito ay siniguro rin ni Nartatez na nagbibigay ng tulong ang pulisya sa mga logistics, road clearing operations, pagpapatupad ng seuridad at maging pamamahala sa trapiko para mabigyang prayoridad ang pagpapadala ng mga relief items.