Mas pinalakas at pinagtibay pa ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa mga presyo ng bilihin sa mga pamilihan upang maiwasan ang mga banta ng profiteering at hoarding ngayong holiday season.
Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartartez Jr., ito ay para matiyak na hindi maaabuso ang mga karapoatan ng mga konsyumer at para mapangalagaan din ang mga mamimili sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng karne, gulay at iba pa ilang liinggo bago ang bisperas ng Pasko.
Kasunod nito ay agada na nagtalaga ng karagdagang mga pulis ang PNP sa mga palengke, supermarkets, wet markets at ilan pang mga pamilihan upang agad na makaresponde sa mga posibilidad ng pananamantala ng mga retailers at nang maiwasan din ang hoarding at panic-buying ng mga konsyumer.
Ito ay bunsod na rin ng mahigpit nilan g koordinasyon sa Department of Trade and Industry (DTI) at maging sa mga local government units (LGU’s) para mapanatiling bantay-sarado ang galaw ng mga presyo at mga iligal na aktibidad sa ganitong panahon.
Samantala, tiniyak naman ng Pambansang Pulisya sa publiko na tuloy-tuloy lamang ang kanilang pagsasagawa ng ilan pang mga hakbang at mga intelligence driven operations upang matukoy at mahuli ang mga hoarders at mga sindikatong sinusubukang manipulahin ang mga presyo ng bilihin.











