-- ADVERTISEMENT --

Magpapakalat ng nasa mahigit 15,000 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP)sa pagdiriwang ng Kapiyestahan ng Jesus Nazareno.

Sinabi ni PNP chief Lt. General Jose Melencio Nartatez na inaasahan nila ang ilang daang libong katao ang makikibahagi sa kapiyestahan pagdating ng Enero 9.

Magsisimula ang Traslacion o ang paglipat ng imahe ng Jesus Nazareno mula Bagumbayan patungo sa Simbahan ng Quiapo.

Dagdag pa nito na mayroong augmentation silang itatalaga mula sa kapulisan ng Central Luzon at Calabarzon.

Mula pa noong nagdaang dalawang buwan ay mayroon na silang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Quiapo Church, Manila City Government, Armed Forces of the Philippines (AFP),Philippine Coast Guard (PCG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

-- ADVERTISEMENT --