Itinuturing pa rin ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang ginanap na “Trillion Peso March” nitong Setyembre 21.
Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. , na ang mga nangyaring mga kaguluhan ay maituturing lamang na ‘isolated case’.
Pinuri nito ang mga kapulisan na nagbigay ng katiyakan para mapanatili ang katahimikan sa nasabing rally.
Base sa pagtaya ng PNP na aabot sa 61,605 protesters ang lumahok sa buong bansa kung saan 33,720 dito ay sa Metro Manila at 27,885 naman sa ibang mga rehiyon.
Mayroong mahigit 50,000 na kapulisan ang ipinakalat nila kung saan 29,300 dito sa Metro Manila bilang bahagi ng Civil Disturbance Management (CDM) Units.
Ilan sa mga naitalang kaguluhan na naitala ng kapulisan na kaguluhan ay ang pagbabato sa mga kapulisan, panununog sa trailer truck na malapit sa Ayala Bridge sa Maynila.
Aabot sa 49 indibidwal ang kanilang naaresto na kinabibilangan ng 13 minor de edad dahil sa mga kasong iligal assembly, direct assault, malicious mischief at resistance to authorities.
Nasa 70 miyembro ng Manila Police Districts ang nagtamo ng sugat dahil sa pagsawata ng mga nagpapalaganap ng kaguluhan.