-- ADVERTISEMENT --

Nakahanda na ang Davao City Police Office (DCPO) sa kanilang mas pinaigting na seguridad para sa inaasahang pagdagsa ng mga indibidwal sa gaganaping Anti-Corruption Rally sa September 21, 2025.

Kinumpirma ito ni DCPO Spokesperson Capt. Hazel Caballero-Tuazon sa isang press briefing kasama ang Davao Peace and Security Press Corps sa The Royal Mandaya Hotel.

Binigyang-diin ni Caballero-Tuazon na mahigit sa 200 kapulisan ang itatalaga sa lugar kung saan gaganapin ang rally sa Davao City.

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga lalahok na nais ipahayag ang kanilang mga pananaw at saloobin hinggil sa napapanahong isyu ng korapsyon.

Dagdag pa niya, ang presensya ng mga pulis ay magsisilbing seguridad para sa mapayapang pagpapahayag ng mga opinyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga mahigpit na ipatutupad na regulasyon ay ang pagbabawal ng ilang mga bagay sa loob ng rally area.

Partikular na binanggit ang pagbabawal sa pagdadala ng backpack, anumang uri ng covered flask o cannister, mga bagay na matatalim, at ang pagsusuot ng jacket.

Ipinaliwanag na ang mga restriksyon na ito ay para maiwasan ang anumang potensyal na banta sa seguridad at matiyak ang kaayusan sa lugar ng rally.

Sa huli, nagpaalala si Caballero-Tuazon sa lahat ng mga dadalo na panatilihin ang pagrespeto sa bawat isa at umiwas sa anumang uri ng bayolenteng pagkilos. ]Hinimok niya ang lahat na maging responsable at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak na ang nasabing rally ay magiging maayos, mapayapa, at matagumpay sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin.