-- ADVERTISEMENT --
Makakaharap ni WBO superbantamweight boxer Carl Jammes Martin si Aran Dipaen ng Thailand.
Kasama ang nasabing laban sa undercard ng 50th anibersaryo ng Thrilla in Manila na gaganapin sa Oktubre 29 sa Araneta Coliseum.
Mayroong record si Martin na 26 panalo at wala pang talo na mayroong 20 knockouts.
Siya ang numero unong contender ng 122 pounds ang division na pinamumunuan ni Japanese pound-for-pound boxer Naoya Inoue.
Habang si Dipaen ay mayroong record na 21 panalo at apat na talo na mayroong 18 knockouts kung saan nakaharap niya si Inoue noong 2021 subalit natalo siya sa ikawalong round sa pamamagitan ng Technical Knock Out.
-- ADVERTISEMENT --