-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na kinikilala ang mga Pilipinong atleta sa buong mundo, at inaasahang magiging tampok pa rin sa international sports scene.

Kabilang sa mga magiging pangunahing mukha ng bansa si Alex Eala at Carlos Yulo, na parehong naglalayon ng higit pang tagumpay sa mga darating na torneo.

Alex Eala, target ang Grand Slam

Kasunod ng mga makasaysayang tagumpay, kabilang na ang kanyang unang round win sa US Open, nakatutok ngayong si Alex Eala sa isang magandang laro sa 2026.

Kung saan nakatakda itong lumaban sa WTA 250 Auckland ASB Classic, Australian Open, at ang WTA 125 Philippine Open na gaganapin sa bansa. Nais niyang palawakin ang kanyang tagumpay, lalo na pagkatapos manalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games, na nagwakas ng 26-taong pagkauhaw sa gintong medalya para sa Pilipinas sa women’s singles.

-- ADVERTISEMENT --

Carlos Yulo, sasabak sa Asian Games at World Championships

Si Carlos Yulo, isang two-time world champion, ay magpapatuloy sa kanyang paghahanda para sa Asian Games at mga gymnastics competitions. Kasama sa kanyang mga plano para sa 2028 Los Angeles Olympics, itinuturing na mahalaga ang kanyang performance sa FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands noong Oktubre.

Gilas Pilipinas, sa FIBA World Cup Qualifiers

Ang Gilas Pilipinas naman ay muling nakatakdang lumaban sa FIBA World Cup Qualifiers laban sa Australia at New Zealand mula Pebrero hanggang Marso, at qualifying windows sa Hulyo, Agosto, at Nobyembre.

Matapos ang matagumpay na SEA Games, umarangkada ang atleta ng Pilipinas sa Asian Games, kung saan nakamit ng bansa ang apat na gintong medalya at maraming iba pang medalya noong 2023 sa Hangzhou, China. Layunin ngayon ng mga atleta na muling makapag-qualify at mabulsa ang panalo sa mga susunod na kumpetisyon.