-- ADVERTISEMENT --

Pinag-iisipan na ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaza-Naranjo ang pagreretiro sa nasabing sports.

Kasunod ito sa bigo niyang makakuha ng medalya sa 2025 SEA Games kung saan nagtapos lamang siya sa pang-apat na puwesto.

Humingi ito ng paumanhin sa mga fans matapos na magkamit ng 200 kilograms sa snatch at clean and jerk.

Mula pa noong 2024 Paris Olympics ay nakakaranas ito ng pananakit sa kanang tuhod ganun din ang mental problems.

Mula kasi ng hindi mag-qualify sa Paris Olympics ay tila nawalan na ito ng motibasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Giit nito na may mga plano pa ito subalit hindi naman nito binanggit kung hanggang kailan ito mananatili sa nasabing sports.