Natapos na ang kampanya sa Paris Olympics ni Pinay weightlifter Elreen Ando.
Nagtapos lamang siya sa pang-anim na puwesto sa women’s weightlifting 59kg. event.
Nagrehistro siya ng kabuuang 230 kgs. na mayroong 100 kgs. mula sa snatch at 130 kgs. mula naman sa clean and jerk na kaniyang bagong personal record.
Umabot pa sa dalawang pagtatangka o attempt bago matagumpay nitong nabuhat ang 100 kg sa snatch at bigo sa kaniyang ikatlong attempt naman sa 102 kgs.
Dito ay natumbasan niya ang personal best niya na 100 kg. lift. Sa clean and jerk kailangan ni Ando ng tatlong attempt para matagumpay na mabuhat ang 130 kgs. para sa mga bagong personal record.
Ang nasabing kabuuang buhat ay hindi sapat para umabot sa top 3. Si Ando ay may pinakamataas na ranking na weightlifter noong makaharap niya si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa 2024 IWF World Cup noong Abril.