-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang napabilang bilang bahagi ng Philippine Navy ang BRP Diego Silang (FFG-07), ang pinakabago at most advanced guided-missile frigate ng bansa.

Isinagawa ang arrival ceremony para sa naturang barko ngayong araw, (Sept. 15) sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang naturang seremoniya, kasama si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta.

Magsisilbi namang commanding officer ng bagong barkong pandigma ng Pilipinas si Capt. John Percie Alcos.

Sa naging mensahe ni Gen. Brawner, binigyang diin nito na ang bagong barko ay simbolo ng pagnanais ng Pilipinas na maprotektahan ang lahat ng pag-aari nito at panindigan ang soberanya, anuman ang mga hamong kahaharapin.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpapakita rin ito ng kahandaan ng Pilipinas na protektahan ang interest at kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.

Para sa Philippine Navy, ang pagdating ng BRP Diego Silang ay nagpapakita ng patuloy na pagpapalakas at modernisasyon ng hukbo, lalo na sa mga naval assets nito.