Inaasahang magbubukas ng mas maraming trabaho, magpapababa ng presyo ng bilihin, at magpapalawak ng oportunidad para sa mga Pilipino ang bagong free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE) na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Enero 13, 2026 sa Abu Dhabi.
Ito ang binigyang-diin ni Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Recto, ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) ang kauna-unahang free trade deal ng Pilipinas sa isang bansa sa Middle East.
Layunin nitong pababain ang taripa, palawakin ang market access ng mga produkto at serbisyo, at hikayatin ang pamumuhunan, na makikinabang ang mga magsasaka, manggagawa, propesyonal, at MSMEs.
Makikinabang din ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa healthcare, IT, konstruksyon, turismo, at iba pang sektor sa mas bukas na access sa UAE.
Kasabay nito, nilagdaan din ang kasunduan sa defense cooperation na magpapalakas sa ugnayang pangkalakalan at pangseguridad ng dalawang bansa.











