-- ADVERTISEMENT --

Naglatag na rin ang Philippine Red Cross (PRC) ng medical tents para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Bogo City sa Cebu.

Ayon sa organisasyon, fully functional na ang itinayong dalawang air-conditioned medical tents sa labas ng Cebu Provincial Hospital sa siyudad.

Mayroon itong 20 bed extension ward at stabilization area para sa mga pasyente.

Makakatulong naman ito para mabawasan ang siksikan sa ospital gayundin mabigyan ng agarang serbisyo ang mga pasyenteng hindi na kayang ma-accommodate sa loob ng ospital.

Napaulat din na naabot na ng provincial hospital ang full capacity nito dahil sa magkakasunod na isinusugod na mga pasyente at labi mula sa mga komunidad na tinamaan ng malakas na lindol.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PRC, pinakilos na rin nila ang kanilang team na may dalawang doctor, 5 nurses at 12 student nurses para magpatuloy ang kanilang mga operasyon.

Matatandaan na ang Bogo City ang episentro ng tumamang magnitude 6.9 na lindol noong gabi ng Martes, Setyembre 30 na kumitil na ng 68 katao at ikinasugat ng mahigit 500 indibidwal.