-- ADVERTISEMENT --

Matagumpay na nagsagawa ng isang joint simulation exercise ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang United States Military sa Clark Air Base sa Pampanga nitong Sabado.

Ito ay para sa demonstration ng rapid airlifting ng mga relief goods na siyang ipapadala para sa mga nasalanta ng mga nakaraang pagulan at pagbaha.

Gamit ang isang US MV-22 Osprey aircraft ay ipinakita kung paano ang loading at ang paglilipat ng mga family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nagbibigay diin sa kaha;agahan ng interoperability, logistics coordination, at maging ang kahandaan sa disaster response.

Ang aktibidad naman ay pinangunahan nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. at ni US Ambassador MaryKay Carlson kung saan nagkaroon rin ng isang guided tour sa Osprey aircraft upang ipakita ang kakayanan nito para sa mabilis na pagtatalaga ng mga humanitarian assistance and disaster relief (HADR) missions.

Samantala, muli namang nagpahayag ng suporta ang US sa AFP para sa patuloy na pamamahagi ng mga reilef packs ng DSWD sa mga lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan naman ay mayroong 4,800 na mga family food packs na ang naipadala sa sa Northern Luzon gaya na lamang sa Batanes Islands.