Nanguna ang pelikulang “Sinners” sa may pinakamaraming nominasyon para sa Academy Awards o Oscars.
Sa inilabas na listahan ng organizers ng Oscars Awards ay mayroong kabuuang 16 na nominasyon ito
.
Ito ang kauna-unahang pelikula sa kasaysayan ng Oscars na may pinakamaraming nominasyon.
Sa kabuuang 24 nominasyon ay 16 dito ang naitala ng nasabing pelikula gaya ng best actor, best picture, best supporting actress at iba pa.
Sinundan ito ng pelikulang “One Battle After Another” na mayroong 13 nominasyon, sinundan ng pelikulang “Marty Supreme:, “Frankenstein” , “Sentimental Value” at”Hamnet”.
Ang mga nominado naman sa best actress ay kinabibilangan nina: Jessie Buckley sa pelikulang “Hamnet”; Rose Byrne- “If I Had Legs I’d Kick You” ; Kate Hudson sa pelikulang “Song Sung Blue”; Renate Reinsve sa pelikulang “Sentimental Value” at Emma Stone sa pelikulang “Bugonia”.
Habang sa best actor ay nominad sina: Timothée Chalamet (Marty Supreme), Leonardo DiCaprio (One Battle After Another), Ethan Hawke (Blue Moon), Michael B Jordan (Sinners) at Wagner Moura (The Secret Agent).
Gaganapin ang Academy Awards ceremony sa Marso 15 sa Los Angeles.











