-- ADVERTISEMENT --

Naka-standby at nakahandang i-activate ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Deployable Response Groups (DRGs) nito para tumugon sakaling may maritime incidents sa disputed waters sa gitna ng Undas break.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay PCG spokesperson Capt. Noemie Cayabyab, binubuo ang naturang DRG ng mga swimmer at medical teams.

Samantala, ayon kay Capt. Cayabyab, mayroong halos 12,000 personnel ang PCG na nakadeploy na at nakatakda pang ipakalat para sa Undas ngayong taon.

Nagbabala rin ang opisyal laban sa mga fixer na posibleng samantalahin ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas break.

Kayat pinapaalalahanan ng PCG ang mga bibiyahe na kung maaari ay maagang bumili ng ticket at maagang magtungo sa pantalan para maiwasan ang mga fixer na nag-aalok sa mga biyahero para mapabilis ang pagproseso ng kanilang biyahe.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang tugon, hihigpitan aniya ng PCG ang latag ng seguridad upang matiyak na maiwasan ang mga ganitong insidente.

Samantala, nagpaalala naman ang PCG sa publikong bibiyahe na maging mapagmatiyag at iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit.