Naka-full alert status ang Philippine Coast Guard (PCG) simula ngayong araw bilang paghahanda sa protesta na magaganap sa Luneta Park mula ika-16 hanggang ika-18 ng Nobyembre 2025.
“Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na nakaantabay ang PCG upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong makikibahagi sa nasabing aktibidad,” ayon sa PCG.
Ang Iglesia Ni Cristo ay nakatakdang magsagawa ng “Rally for Transparency, Accountability, Justice, and Peace” mula Linggo hanggang Martes sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Una nang sinabi ni INC spokesperson Brother Edwil Zabala na ang rally ay hindi pakikialam sa politika. Dagdag pa niya, malugod ding inaanyayahan na dumalo sa kilos-protesta ang mga hindi kaanib ng simbahan.











