‘Wait and See!’ Tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos hingan ng reaksiyon kaugnay sa ulat na pagpalit ng liderato sa senado ngayong araw.
Malakas kasi ang ugong na muling magkaroon ng kudeta sa Senado o pagpapalit ng bagong liderato.
Batay sa ulat apat na senador umano ang pinagpipilian ito ay sina Sen. Kiko Pangilinan, Joel Villanueva, Migz Zubiri at Chiz Escudero.
Ayon sa Pangulo batid niya ang kaganapan sa senado nuong nakaraang linggo kung saan pinalitan ni SP Allan cayetano si Sen Tito Sotto.
Hindi naman hinuhusgahan ng Malacañang sa kasalukuyan ang mga senador na tatayo bilang senator judges sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Palasyo nasa mga senador na ang kahihinatnang ng pagdinig na ito.
Dapat aniyang tandaan ng mga ito na iniluklok sila sa pwesto ng taombayan, upang maglingkod sa mga Pilipino at hindi para sa iisang tao lamang.










