-- ADVERTISEMENT --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang paglulunsad ng YAKAP na naglalayong hindi lang mas mapalapit ang health access sa ating mga kababayan kundi para sa mas pinalawak at pinalakas pang health package coverage ng PHILHEALTH.

Sa talumpati ng Chief Executive, sinabi nitong sa pamamagitan ng Yaman ng Kalusugan Program ay ibababa ang health care hindi lamang sa malalaking pagamutan kundi pati na sa maliliit na klinika.

Ayon sa Pangulo saklaw din ng YAKAP Program ang pagdaragdag ng laboratory testing sa 13 gaya ng ultrasound, ct scan, mamogrham , colonoscopy gayundin ng anim na cancer screening.

Pati gamot ayon sa Pangulo na dating nasa 54 na covered ng Primary Care Package ay itinaas at aabot na ito sa 75.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan malaman ng taumbayan na may ganitong benepisyo ang mamamayan at itoy sa gitna ng pagnanais aniya ng pamahalaan na tulungan ang mga maysakit kayat pinalalakas ang health care system ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama ng Pangulo sa paglulunsad ng nasabing programa ay sina Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) Secretary Frederick Go, PhilHealth President Dr. Edwin Mercado.

Sinabi ni Mercado na layunin ng nasabing programa na para ilayo ang mga kababayan natin sa sakit dahilan ni rebrand ng Philhealth ang Konsulta sa YAKAP at bawasan ang out of pockect expenses ng bawat pamilyang Pilipino.