-- ADVERTISEMENT --

Pinangunahan ni Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), kung saan iginiit niyang “bawat bayan ay makikinabang” sa programa ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang isang beses na ayuda ang ipamamahagi kundi magiging anim na beses kada taon ang pagbibigay ng 10-kilong bigas sa mga benepisyaryo.

Bawat barangay ay makakatanggap din ng P200,000 at ang P100,000 na pondo ay para sa proyekto, kabilang ang mga programang pang-edukasyon sa mga estudyante.

Hinikayat niya ang kabataan na mag-aral nang mabuti at gamitin ang edukasyon bilang susi sa maayos na kinabukasan.

Giit ng Pangulo, magpapatuloy ang pamahalaan sa paghahanap ng mga programang makakatulong sa mamamayan at hinimok ang publiko na magkaisa at isabuhay ang diwa ng bayanihan.

-- ADVERTISEMENT --