-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na alalahanin at parangalan ang mga mahal sa buhay na pumanaw, habang humuhugot ng inspirasyon mula sa kanilang pananampalataya at kabutihang-loob.

Sa kanyang mensahe, para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong 2025, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng panahong ito bilang pagkakataon ng pagpapalalim ng ugnayan sa pananampalataya, pagpapatibay ng moral na pundasyon ng bansa, at paggunita sa pag-asang walang hanggan sa kabila ng sakit at pagdurusa.

Hinimok ni Pangulong Marcos Jr. ang bawat Pilipino na gawing makabuluhan at mataimtim ang pagdiriwang ng Undas, sa pamamagitan ng pamumuhay nang may layunin bilang paggalang sa alaala ng mga yumao.

Aniya, ang mga araw na ito ay paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa ng sambayanan sa harap ng mga hamon ng buhay.