-- ADVERTISEMENT --

Hinihintay pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isusumiteng shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) ng mga nominee para sa pagpili niya ng bagong Ombudsman.

Sinabi ng Pangulo magtatalaga lamang siya ng bagong Ombudsman kapag nakumpleto na ang buong selection process.

Sa PBBM Podcast interview sinabi ng Pangulo na kasalukuyan pang nagsasagawa ng deliberasyon at interview ang JBC para sa nabanggit na posisyon na kasalukuyang bakante.

Batay sa Konstitusyon, hanggang Oktubre 25 lamang ang palugit para italaga ng Pangulo ang bagong pinuno ng anti-graft office.

Ang Office of the Ombudsman ay isang constitutional independent body na may mandato na agad aksyunan ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng pamahalaan at tiyakin ang accountability sa serbisyo publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na noong Agosto 27, pansamantalang itinalaga ng Pangulo si Deputy Ombudsman for Visayas Dante Vargas bilang Acting Ombudsman.