-- ADVERTISEMENT --

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa bagong talagang army chief na mapanatili nito ang integridad at propesyunalismo ng hukbo at handa nitong harapin ang mga hamon gaya geopolitical tensions na isa sa pinaka malaking hamon na kinakaharap ng mundo.

Sa change of command ceremony sa Philippine Army kaninang umaga walang duda si Pang Marcos na makayanan ito ni Lt Gen Antonio Nafarete.

Giit ng Punong Ehekutibo, sa harap ng tumitinding banta sa seguridad at geopolitical tensions, kailangang manatiling matatag ang bagong liderato ng hukbo at magsilbing haligi ng propesyonalismo at integridad.

Muling tiniyak ni Pangulong Ferinand Marcos ang kaniyang buong suporta sa AFP at sa Phil Army lalo na sa patuloy na pagbili ng mga makabagong kagamitan.

Nananawagan din ang Pangulo sa mga sundalong army na ipagpatuloy ang dedikado at tapat na paglilingkod sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --

“You will be assuming your role at a time when geopolitical tensions and global uncertainty are high. This will demand your vigilance and leadership to deliver clear direction and to show a firm commitment. But I have full confidence that under your command, the Philippine Army will remain steadfast [as] a pillar of strength and integrity, professionalism,” pahayag ni Pang. Marcos.