“Mami miss ka namin.”
Ito ang mensahe ni Panguling Ferdinand Marcos Jr kay outgoing Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Nagpa-alam na ngayong araw kay Pangulong Marcos ang Chinese envoy dahil tapos na ang kaniyang tour of duty.
Ayon kay Pangulong Marcos, naging pangalawang tahanan na rin naman ni Huang Xilian ang Pilipinas.
Sa pagharap ng Pangulo at ni Huang, sinabihan ito na nakalulungkot lamang na walang masyadong naging progreso sa pagresolba sa mga hamon sa West Philippine Sea.
Nagpasalamat din si Panguling Marcos kay Huang sa naging serbisyo nito sa bansa.
Kung maalala, ilang beses ding ipinatawag sa Malakanyang si Huang, dahil sa mga naging kontrobersyal na pahayag nito kaugnay sa pagiging agresibo ng Chinese Coast Guard at Militiamen sa West Philippine Sea.