-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na puppet state ng Estados Unidos at mga kaalyado nito ang Pilipinas.

Ito ay bilang tugon sa puna ng China kaugnay ng pinagsanib-pwersang naval patrol ng India at Pilipinas sa West Philippine Sea kamakailan.

Binigyang-diin ng Pangulo na may sariling panlabas na polisiya ang Pilipinas at hindi ito kumikilos para sa ibang bansa.

Saad pa ni Pangulong Marcos na tungkulin ng Pilipinas na ipagtanggol ang teritoryo nito, at kung may mga bansang handang tumulong gaya ng Amerika, Australia, at Japan, bakit aniya ito tatanggihan?

Matatandaan, sa kauna-unahang pagkakataon nagsagawa ng maritime cooperation activity ang PH at Indian Navies sa WPS, na tinuligsa ng China kung saan tinawag nito ang India bilang isang third party na hindi dapat umano makialam sa sigalot sa karagatan.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, patuloy na tinutuligsa ng China ang mga defense cooperation ng Pilipinas sa ibang bansa at tinuturing ang isyu sa West Philippine Sea bilang bahagi umano ng mas malawak na geopolitical tension laban sa Estados Unidos, na matagal ng kaalyado ng Pilipinas at may Mutual Defense treaty.