Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde sa nakatakdang fare hike sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa Pangulo, hindi pa ito ang tamang panahon para magtaas ng pamasahe dahil sa patuloy na epekto ng giyera sa Middle East.
“Siguro hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe para sa ating mga kababayan. Kaya’t inutos ko sa DOTr na suspendihin muna ang fare hike at i-defer muna natin yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Tiniyak din ng Pangulo na hindi pababayaan ang mga transport workers.
Aniya, madadagdagan ang suporta ng pamahalaan upang hindi sila masyadong mahirapan. Kabilang sa mga hakbang ang pagpapatupad ng libreng sakay sa buong bansa na maaaring gamitin ng mga pasahero upang makatipid sa araw-araw.
Bukod dito, magbibigay ng diskwento sa pamasahe sa MRT at LRT, gayundin sa mga toll road upang mas mabawasan ang gastos ng publiko.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng agarang tugon ng administrasyon upang maibsan ang epekto ng pandaigdigang krisis sa presyo ng langis at transportasyon.Mga Mantikang Panluto











