-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde sa lahat ng importasyon ng bigas sa loob ng 60 araw simula sa a-uno ng Setyembre.

Ayon kay Presidential Communication Sec. Dave Gomez, layon ng hakbang ng Pangulo na ma-protektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa murang presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.

Sinabi ni Gomez, ibinigay ni Pang. Marcos ang direktiba matapos ang konsultasyon sa mga miyembro ng gabinete sa sidelines ng kanyang 5 araw na state visit sa India.

Matatandaang bago lumipad noong Lunes ay inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tui-Laurel Jr. ang pansamantalang paghinto ng lahat pag-aangkat ng bigas gayundin ang pagtaas ng taripa sa imported rice.

Pero ayon kay Gomez, sinabi ng Pangulo na hindi pa napapanahong talakayin ang tariff increases sa inaangkat na bigas.

-- ADVERTISEMENT --