-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol na tumama sa Davao Oriental noong Oktubre 10.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na inatasan ng Pangulo ang lahat ng kaukulang ahensiyang nasa frontline na magtrabaho nang walang tigil upang maisagawa ang mga operasyon ng pagsagip at pamamahagi ng tulong.

“Ang pangunahing iniintindi ng Pangulo ay ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan sa mga lugar na tinamaan ng lindol,” pahayag ni Gomez.

Dagdag pa ni Gomez, “Alinsunod sa utos ng Pangulo, ang lahat ng kinauukulang ahensyang nasa frontline ay inatasang magtrabaho ng 24-oras upang maisakatuparan ang rescue at relief operations.”

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), walang kaugnayan ang lindol na may lakas na 7.4 na yumanig sa Davao Oriental noong Oktubre 10 sa naunang 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30.

-- ADVERTISEMENT --

Iniutos din ni Pangulong Marcos sa mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa lahat ng lugar na naapektuhan ng mga lindol.