-- ADVERTISEMENT --

Ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos na hindi nagkaroon ng magandang progreso ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ito ng Pangulong Marcos, sa Farewell Call ni outgoing Chinese envoy na si Huang Xilian sa Palasyo ng Malakanyang ngayong umaga.

Ayon sa Pangulo bagama’t hindi gaanong umusad ang mga pagsisikap na lutasin ang mga hamon sa West Philippine Sea, ay naramdaman pa rin ang kahalagahan ng maingat at mahinahong paghawak sa sitwasyon.
Giit ng Pangulo, sa kabila ng pagiging mahirap ng sitwasyon, nagawa pa rin na mapanatili na hindi lumala ang tensiyon sa rehiyon.

Sa kabila ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea, hindi nagpapatinag ang Pilipinas at patuloy na pino protektahan ang soberenya ng bansa.

Binigyang-pugay naman ng Pangulong si Amb. Huang Xilian sa mga naging ambag ng opisyal para sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan sa kabila ng mga diplomatikong hamon.

-- ADVERTISEMENT --

Sambit ng Pangulo sa Chinese envoy na mamimiss siya lalo at nakabuo na siya ng isang tunay na pangalawang tahanan dito sa Maynila.