-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nananatiling  matatag ang paninindigan ng pamahalaan sa national defense, kasabay ng pagpapalakas sa papel ng Philippine Army sa external defense sa pamamagitan ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagdalo nito sa ika-129th founding anniversray ng Philippine Army.

Philippine laws analysis

Ayon sa Pangulo, layunin nitong pahusayin ang kakayahan ng hukbo sa external security operations habang unti-unting inililipat ang pokus mula sa internal security operations.

Siniguro din ng Pangulo, patuloy na palalakasin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matugunan ang mga bagong banta, kabilang ang seguridad sa karagatan at cyberspace.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa mas epektibong implementasyon ng internal at external defense.

Suportado ng Pangulo ang patuloy na modernisasyon ng militar at mga programang pangkapayapaan sa komunidad, kabilang ang mga inisyatibo ng DND at National task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Kinilala naman ng Pangulo ang kabayanihan at dedikasyon ng mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng bansa.

Pinuri rin ng Pangulo ang mga natamong parangal ng Hukbong Katihan, pati na ang pakikipagtulungan nito sa Department of Science and Technology para sa mga makabagong proyektong pangdepensa.

Hinimok naman ng Presidente ang mga sundalo na ipagpatuloy ang integridad, disiplina, at propesyonalismo sa kanilang serbisyo, kasabay ng layuning makamit ang isang ligtas at maunlad na “Bagong Pilipinas.”